VOTER’S REGISTRATION, UMARANGKADA NA; BSK ELECTIONS, TULOY KAYA?

Opisyal nang umarangkada ang voter’s registration, kahapon, August 1 na magtatagal hanggang August 10.

 

Ang naturang hakbang ay upang bigyang daan ang mga transaksyon para sa mga botante sa inaasahang Barangay at SK Elections sa Disyembre.

 

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Marino Salas, bukas umano ang kanilang mga opisina at mga satellite offices upang i-accomodate ang mga magpapa rehistro o magpapa activate.

 

Walang bakasyon, walang pahinga, dahil pati holidays at weekends tuloy ang registration.

 

Samantala, nilinaw ni Salas na hindi nila tatanggapin ang pagtatransfer ng isang botante, maliban sa mga Overseas Filipino Workers na magsisi uwian.

 

Bagamat tuloy ang registration, bilang pagtupad sa gampanin ng Commission on Elections, kwestyon pa rin ngayon kung tuloy nga ba ang BSKE.

 

Kinumpirma mismo kasi ni COMELEC Chairman George Garcia na inaasahang pipirmahan ni Presidente Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Ang batas sa pagpapaliban nito sa August 12. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments