Voters turnout nitong May 13 elections, umabot lang sa halos 76%

Umabot sa 75.90 percent ang local voter turnout ng nagdaang May 13 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nasa kabuoang 46,937,139 ang bumoto sa bansa.

Gayunman, hindi pa kasama aniya rito ang voter turnout para sa overseas absentee voting (OAV).


Matatandaang nauna nang inihayag ng Comelec na kumpyansa silang maaabot ang target na 75 percent voter turnout sa katatapos lamang na halalan.

Facebook Comments