Voters turnout sa unang araw ng Bangsamoro plebiscite, ‘very good’

*‘Very good’*

Ito ang assessment ng Commission on Elections (Comelec) sa voters turnout sa unang araw ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – base ito sa initial anecdotal reports.


Pero sinabi ni Jimenez – posibleng nakaapekto sa voter turnout ang mga balita tungkol sa mga bomba at pagbabanta sa ilang indibidwal.

Umaasa si Jimenez na magiging maganda din ang voter turnout sa February 6 dahil meron pa anyang 100 barangay ang humiling na mapabilang sa bubuoing bagong Bangsamoro region.

Facebook Comments