VOTING CENTER SA DAGUPAN CITY, DINAGDAGAN PA NG ISA BILANG HAKBANG NG COMELEC SA PAG-IWAS NG SIKSIKAN SA ARAW NG BOTOHAN

Dinagdagan ng isa pa ang nasa dalawamput siyam na mga voting center sa lungsod ng Dagupan para gamitin ng mga botante para bumoto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Ang karagdagang voting center ay siyang naging aksyon ng COMELEC para sa pagkakaroon ng maayos na pagboto sa araw mismo ng botohan.
Nasa higit dalawang-libong mga botante sa Barangay Tebeng na dumadayo pa sa Mangin para bumoto ang ililipat ng voting center na malapit sa kanila para maiwasan ang siksikan at kaguluhan sa araw mismo ng botohan.
Pabor naman ang mga botante sa paglilipat ng kanilang mga pangalan sa malapit na eskwelahan dahil mas makakatipid sila at walking distance na lamang ang karamihan sa kanila.
Nagbigay abiso naman ang COMELEC na alamin na kaagad ng mga botante kung saang voting center sila nakatalaga para bumoto nang sa gayon ay makaiwas sa aberya. | ifmnews
Facebook Comments