Voting centers para sa May 2022 elections, ligtas mula sa COVID-19 – ayon sa Comelec

Boboto ng may kapanatagan ang publiko sa May 2022 elections.

Ito ay dahil ang mga voting centers ay nakadisenyo bilang COVID-19 safe.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, gagamit sila ng mga malalaking espasyo para maiwasan ang overcrowding.


Magkakaroon ng social distancing sa loob ng polling places at sa bawat voting center ay mayroong health screening stations.

Sinabi rin ni Jimenez na magkakaroon ng Isolation Polling Place (IPP) kung saan ang mga taong mayroong health issues o may sintomas ng COVID ay doon idadala.

Facebook Comments