Hinikayat ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga mamamayan na magkaisa upang labanan ang nagaganap na karahasan o terorismo sa bansa.
Ang pahayag ni VP Sara ay kasunod ng pagkakapaslang kina Cpl. Crezaldy Espartero, Pfc. Carl Araña, Pvt. Jessie James Corpuz, at Pvt. Marvin Dumaguing.
Ayon kay VP Sara, ang pagkakapatay sa ambush sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur ay nagpapakita ng masakit na katotohanang nananatili ang terorismo bilang pangunahing suliranin ng bansa na nangangailangan nang nagkakaisang pagkilos ng sambayanang Pilipino.
Paliwanag pa ng pangalawang pangulo, maraming mga sundalong Pilipino na umano’y ang nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng ating bansa.
Napapanahon na umano ng lumaban tayo sa terorismo, at suportahan ang edukasyon ng kabataan.
Suportahan aniya natin ang ating mga sundalo sa pamamagitan ng pagbigay impormasyon tungkol sa mga kalaban ng gobyerno
Binigyang diin ni VP Sara na idulog sa mga lokal na pamahalaan ang pagbigay prayoridad sa seguridad natin bilang mamamayan.