Vp Binay, Nanindigang Hindi Magko-Concede Hangga’T Hindi Pa Natatapos Ang Bilangan

2

MANILA – Nanindigan si Vice President Jejomar Binay na hindi siya magco-concede sa presidential race.Ito’y kahit umatras na sina dating DILG Sec. Mar Roxas at Sen. Grace Poe.Ayon kay Binay, hindi siya susuko hangga’t hindi pa nabibilang ang lahat ng boto.Anya, may agam-agam pa siya sa resulta ng botohan lalo’t maraming Vote Counting Machines (VCMs) ang nagkaaberya.Nang tanungin naman si Binay kung handa na ba niyang tanggapain ang pagkakaisang alok ni Davao City Mayor Rodrgio Duterte, sinabi nitong may proseso para rito.Kasabay nito, pinasalamatan naman ni Binay ang lahat ng kaniyang mga supporter.

Facebook Comments