Maaaring maharap sa plunder, malversation, falsification, bribery at iba pang mga kaso si Vice President Sara Duterte at mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP).
Inilahad ito nina Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitricks” Luistro, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, at Antipolo Rep. Romeo Acop sa ika-walong pagdinig ngayon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Patungkol ito sa kwestyunableng paggastos sa ₱612.5 million na confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara.
Diin ni Acop, malinaw sa kanilang pagdinig na ginastos ang confidential funds ng OVP at DepEd ng walang transparency and accountability at labag sa Commission on Audit-Department of Budget and Management Joint Circular No. 2015-01.