VP Duterte, handang magtrabaho kahit walang budget ang OVP

Courtesy: House of Representatives

Nanindigan si Vice President Sara Duterte na handa siyang magtrabaho kahit walang budget ang kanyang tanggapan na ilalaan ng mga mambabatas.

Ang pahayag ni VP Sara ay matapos itong hindi dumalo sa isinagawang budget hearing ng House Committee on Appropriations sa Kamara na posibleng bibigyan umano siya ng p1 pondo sa kanyang tanggapan

Paliwanag ng pangalawang pangulo na maliit lamang aniya ang kanilang opisina at operasyon kaya’t kayang-kaya umano nilang magtrabaho kahit walang ibinibigay na budget.


Giit pa ni VP Sara na nauunawan nito na ang ulat na tanggalin ng budget ang OVP ay bahagi umano atake laban sa kanya kayat Deadman lamang siya at tutuloy-tuloy lang din aniya ang kanyang tanggapan sa kailangan nilang gawin para sa bayan.

Una rito nagpaliwanag si Vice President Sara Duterte sa hindi nito pagdalo sa budget hearing dahil sa nakapag sumite na ang OVP ng mga kailangang documentation sa House of Representatives – Committee on Appropriations.

Facebook Comments