Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang Kamara na imbestigahan din ang aniya’y bilyun-bilyong pisong confidential funds ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay VP Sara, kung talagang seryoso ang Kongreso na busisiin ang confidential funds ng mga tanggapan ng gobyerno in aid of legislation, dapat din aniyang silipin nito ang confidential funds ng Office of the President.
Nilinaw rin ni VP Sara na sa katunayan ay dalawang beses na silang na-clear ng Commission on Audit sa confidential funds ng Education Department.
Iginiit din ni VP Sara na ang COA lamang ang may hurisdiksyon na magbusisi sa confidential funds at hindi ang Kongreso.
Idinagdag ng pangalawang pangulo na hindi maaaring isapubliko ang nilalaman ng intelligence operations dahil malalagay sa panganib ang seguridad ng mga tauhan nila sa nasabing operasyon.