Inupakan ni Vice President Sara Duterte ang aniya’y patuloy na pagtatangka ng mga mambabatas na sirain ang kanyang pagkatao.
Kabilang dito ang paggamit daw ng mga testigo na aniya’y wala namang kredibilidad para sirain siya.
Tinukoy ni VP Sara ang nasibak na si dating Education Undersecretary Gloria Mercado.
Iginiit ni VP Sara ang mga dahilan ng pagkakasibak noon kay Mercado kabilang na ang panghihingi raw nito ng P16 million sa isang pribadong kompanya.
Kinuwestiyon din ng pangalawang pangulo ang kuwestiyonable na pagkakatalaga kay Mercado bilang Executive Assistant sa DepEd Central Office.
Maliban aniya sa kinakaharap ni Mercado na kasong korapsyon, kilala rin daw si Mercado sa kanyang paninira sa mga kasamahan sa trabaho, kabilang na ng kapwa matataas na opisyal ng DepEd.