Nanawagan sa mga awtoridad si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na resolbahin sa lalong madaling panahon ang serye ng pagpatay sa mga lokal na opisyal at papanagutin sa batas.
Sinabi ni Duterte na hindi sapat ang pagkondena lamang sa mga insidente ng karahasan at sa halip ay dapat makulong ang mga ito.
Kabilang sa mga pinakahuling insidente ng pagpatay sa local government unit (LGU) officials ay ang pamamaril kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Samantala, iginiit ni Duterte na malaking bagay sa ikapapanalo ng sinomang pulitiko ay ang mga magagandang nagawa nito para sa kanilang mga constituents.
Idinagdag ni Duterte na naging bahagi na ng kanilang strategic planning sa tuwing sasabak sa halalan ang paalala sa kanilang mga tauhan na iwasan ang pandaraya.