VP Duterte, nilinaw na sa lahat ng kanyang kaso magiging bahagi ng legal team si PRRD

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na sa lahat ng kanyang kaso magiging bahagi ng kanyang legal team ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay VP Sara, naghahanda na ang dating pangulo para sa pag-upo nito bilang collaborating counsel niya lalo na sa impeachment cases sa Kamara.

Nagpasya ang dating Pangulong Duterte na sumama sa legal team na dedepensa sa kanyang anak matapos na tanggihan ni VP Sara ang alok nitong mag-ambag sa gastusin sa abogado.


Nanindigan din si VP Sara na haharapin niya ang lahat ng kasong isasampa sa kanya ng administrasyon.

Facebook Comments