
Pinag-iingat ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na naninirahan at naglalakbay sa Middle East sa harap na rin ng nangyayaring labanan sa naturang rehiyon.
Pinayuhan ng Bise Presidente ang lahat ng mga Pilipino na iwasan munang maglakbay sa mga lugar sa rehiyon na may nangyayaring operasyong militar o malaking pagtitipon ng publiko.
Dapat ding i-monitor ang mga opisyal na abiso mula sa mga lokal na opisyal na kinaroroonan ng bawat Pilipino gayundin sa kanilang mga Ministry of Foreign Affairs.
Pinaalalahanan din ni Duterte ang mga Pilipino sa Middle East na panatilihing naka-monitor sa mga mapagkakatiwalaang organisasyon ng Media.
Aniya, dapat din gawing regular ang komunikasyon sa kanilang mga pamilya at pinagkakatiwalaang kaibigan hinggil sa kanilang kalagayan.
Dapat din umanong tiyaking may hawak na cellphone numbers ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs
At lumapit sa embahada upang makakuha ng payo kung paanong ligtas na makauwi sa Pilipinas.










