VP-elect Sara Duterte, naniniwalang makakabangon ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa

“Walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Pilipino.”

Ito ang bahagi ng talumpati ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio kahapon matapos ang kaniyang panunumpa bilang ika-15 na bise presidente ng bansa.

Ayon kay Duterte, bagama’t hindi siya ang pinakamagaling at pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa buong mundo ay hindi naman matatawaran ang kaniyang pagmamahal sa bayan bilang isang Pilipino.


Nanawagan din si Duterte na siya ring susunod na mamumuno ng Department of Education sa mga Pilipino na gampanan ang tungkulin na turuan ang mga anak ng mga mabuting kaugalian simula pa lamang sa kanilang tahanan.

Kasunod nito, ikinwento rin ni Duterte sa kaniyang talumpati ang una niyang pangarap na maging isang doktor pero hindi aniya ito nangyari dahil may ibang plano ang Diyos sa kaniya.

Samantala, naniniwala si Duterte na mas mabilis ang magiging pag-unlad ng bansa kung magtutulungan ang bawat Pilipino.

Facebook Comments