VP Leni, aminadong may ilang ICAD Members ang hindi nakikipagtulungan sa kanya

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na ayaw niyang makipagpaligsahan sa ilang opisyal ng pinamumunuan niyang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang tugon ng Bise Presidente sa umano’y hinanakit ng ilang opisyal sa kanya.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, iginiit ni Robredo na huwag nang sayangin ang mga natitirang panahon at magtulungan na lamang.


Aminado si Robredo na may ilang ICAD Members ang hindi nakikipagtulungan sa kanya, sa kabila ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ng Pangawalang Pangulo na kailangan niya ng listahan ng high-value personalities upang matiyak ang pagkaka-aresto ng mga ito.

Nagpapadala na ng ulat si Robredo kay Pangulong Duterte at isinama na niya ang isyu ito sa kanyang rekomendasyon.

Facebook Comments