Sina Vice President Leni Robredo at ang anak ng diktador na si Bongbong Marcos na lang ang dalawang kandidatong maghaharap sa darating na May 9 elections, kung ang mga survey ang pagbabasehan.
Ito ang sabi ng political analyst na si Dindo Manhit.
Sa Pulse Asia survey, napakalayo na nina Robredo at Marcos sa ibang kandidato, sabi ni Manhit.
Halos pantay na rin ang laban nina Robredo at Marcos, ayon naman kay Dante Velasco na isang propesor ng komunikasyo sa University of the Philippines.
Sa isang survey na ginawa nina Velasco kasama ang iba pang propesor mula sa ibang unibersidad, mula April 22 hanggang April 30, nakakuha si Robredo ng 32 percent, samantalang 55 percent si Marcos.
2,400 katao ang natanong nila para sa survey, sabi ni Velasco.
Sa halip na nagbahay-bahay ang grupo nila, ginawa nila ang survey sa karaniwang pinupuntahan ng mga tao, tulad ng istasyon ng LRT.
Aniya, nagpunta ang survey team sa istasyon sa may Antipolo kung saan tinanong nila ang 300 na mananakay.
Nakakuha ng 44 percent si Leni at 46 percent naman si BBM, sabi ni Velasco.