VP Leni, binanatan ang mga kritiko: Itigil ang pagsisinungaling kung hindi sanay sa tunay na public service

Tila naubos na ang pasensya ni Vice President Leni Robredo sa kanyang mga kritiko.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang Facebook post ng isa sa kanyang staff na ginagamit umano para sa propaganda.

Ang tinutukoy ni Robredo ay ang post ng Du30 Resbakers sa Facebook, kung saan ipinapakita ang post ni Jill Ocampo-Javianiar, pinuno ng Angat Buhay program ng Office of the Vice President (OVP) tungkol sa kanilang emergency medical technicians (EMT).


Pinupuna sa post na ang litrato ng dalawang tao na nakasuot ng hazmat suit ay mayroon lamang maayos na anggulo, lighting, write-up, at filters dahil may dala silang drones.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Robredo na may mga taong hindi pa natutunghayan ang pagseserbisyong walang hinihinging kapalit.

Pero iginiit ni Robredo na huwag sana magpakalat ng kasinungalingan sa panahong marami ang namamatay.

Dinepensahan ni Robredo ang kanyang staff kung saan marami ang isinakripisyo niya para sa public service.

“Hindi ko rin papayagan na matawaran ang sakripisyo ng mga staff namin sa OVP na walang pahinga mula pa nung nakaraang taon para lamang mapunuan namin ang mga pagkukulang,” sabi ni Robredo.

Tinawag ni Robredo ang malisyosong alegasyon na “ridiculous” para nais niyang itama ito.

Ang asawa ng COVID-19 patient na tumawag sa kanila ay nahihirapang huminga at halos nauubos na ang kanilang oxygen tank.

Kaya nagpadala sila ng ambulansya kasama ang dalawang EMT para maghatid ng extra oxygen tank para sa kanyang misis.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang team sa anak ng pasyente at nang makitang dumating sila ay doon na sila kinuhanan ng picture.

Nagpasalamat ang pamilya sa OVP sa kanilang tulong.

Facebook Comments