VP Leni, binansagang education president ng mga guro at matataas na opisyal ng mga paaralan

Mahigit 100 kasalukuyan at dating mga pinuno ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad ang nagsusulong sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

Umabot sa 117 school heads, kabilang sina dating Commission on Higher Education (CHED) Chairpersons Patricia Licuanan, Angel Alcala at Ester Garcia ang nagpahayag ng suporta kay Robredo matapos suriin ang kanyang track record, plano para sa edukasyon at karakter bilang tao.

Anila, napili nila si Robredo dahil nagpakita ito ng matibay at malinaw na liderato si Robredo lalo na noong panahon ng pandemya at naglatag ng mga solusyon na nakabatay sa mga datos at para sa kapakanan ng mga Pilipino.


Tinawag pa nila si Robredo bilang education president na siyang reresolba sa krisis sa edukasyon at magpapaganda ng kalidad ng pag-aaral para sa lahat ng Pilipino.

Nakasentro ang plataporma ni Robredo sa “Oplan Angat Agad” na nakatutok sa paglikha ng trabaho, pagpapaigting ng sistemang pangkalusugan ng bansa at pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon.

Facebook Comments