Binigyan ni Vice President Leni Robredo ng bagsak na grado ang kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Robredo, ipinadala na niya sa Malacañang ang kanyang ulat kaugnay sa mga impormasyong nakalap niya sa 18-araw na pag-upo niya bilang Co-Chairperson sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Giit ni Robredo, masyadong nakatutok ang pamahalaan sa small-time drug operations at tila nakaligtaan ang mga bigtime drug lord.
Dagdag pa ng Bise Presidente, wala pang isang porsyento ng kauboang konsumo ng shabu sa bansa ang naharang ng mga awtoridad.
Hiniling din ni Robredo na dapat nang ihinto ang oplan tokhang at magkaroon ng polisiyang nagsusulong ng pananagutan at transparency sa pagpapatupad nito.
Ang Dangerous Drugs Board (DDB) ang nais ni Robredo ang mamuno ng ICAD at hindi ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Inirekomenda rin ni Robredo ang pagbuo ng Anti-Illegal Drugs Task Force at pagtutok sa drug rehabilitation.