Napapag-iwanan na ang Pilipinas sa pagsasagawa ng COVID-19 immunization drive ng mga kalapit na bansa nito sa Asya.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, inihalimbawa ni Robredo ang Bangladesh na nakapagsimula na ng nationwide vaccination.
Naantala aniya ang pagdating ng bakuna sa bansa dahil sa pagpoproseso ng ilang dokumento.
Bukod dito, sinabi ni Robredo na mahalagang magkaroon ng indemnification law para makumbinsi ang publiko na lumahok sa vaccination program.
Noong nakaraang linggo, inumpisahan na ng Bangladesh ang pagpapabakuna sa mga mamamayan nito gamit ang AstraZeneca vaccine, target na mabakunahan ang 3.5 million na tao ngayong buwan.
Facebook Comments