Ikinalungkot ni Vice President Leni Robredo ang pagkakasama ng Pilipinas sa 20 bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Ang listahan ng 20 bansa na may maraming kaso ng COVID-19 ay makikita sa Johns Hopkins University Coronavirus Resources Center.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, aminado si Robredo na masama ang kaniyang loob dahil may kakayahan naman ang bansa na talunin ang COVID-19 pandemic tulad ng mga kalapit na bansa sa Asya.
Maaring magtakda ang pamahalaan ng target goal nito sa pagpapababa ng COVID-19 cases na batay sa mga datos.
Tinabla rin ni Robredo ang pahayag ng Department of Health (DOH) na bumubuti na ang Pilipinas pagdating sa active cases at bilang ng mga gumagaling.
Iginiit ng Bise Presidente na ang Pilipinas ay ika-16 nsa mundo na may active COVID-19 cases.