VP Leni, hinamon ni Sandra Cam na ilabas kung ano ang kanyang nalalaman sa war on drugs

Hinamon ni PCSO Director Sandra Cam si Vice President Leni Robredo na ilabas ang kanyang mga nalalaman tungkol sa war on drugs ng Duterte administration.

Sa ginanap na Forum sa Fernandina Media Forum sa Club Filipino sinabi ni Cam na kung talagang seryoso si Vice President Leni Robredo na tulungan ang gobyerno tungkol sa laban kontra sa iligal na droga ay dapat huwag puro batikos bagkus ay kumilos na kaagad siya.

Paliwanag ni Cam kung nag-uumpisa pa lamang ang bise presidente sa paglaban sa iligal na droga dapat gawin na nito ang nararapat niyang kontribusyon sa bansa.


Naniniwala si Cam na kung talagang mayroon na hawak na mga ebidensiya si Robredo laban sa war on drugs ng gobyerno dapat  isiwalat na kaagad niya ito sa publiko at komprontahin si Pangulong Duterte at ilahad ang mga dokumento na sinasabi ng pangalawang pangulo.

Giit ni Cam wala umano siyang tiwala kay Vice President Robredo dahil sa umaarte lamang ito sa kanyang mga ginagawa at walang laman ang kanyang mga sinasabi.

Facebook Comments