VP Leni, hindi magbibitiw bilang co-chair ng ICAD

Bumuwelta ang kampo ni Vice President Leni Robredo matapos ihayag ng Malacañang na malayang umalis ang pangalawang pangulo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD kung hindi na siya komportable rito.

Nabatid na sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo – tila pambabastos kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Robredo na magsabi na lang kung babawiin ang kanyang posisyon bilang anti-drug czar.

Para kay Robredo – mas mahalaga sa kanya ngayon na makipag-ugnayan sa mga komunidad para magsugpo ang ilegal na droga.


Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo – tila nalilito si Panelo.

Patuloy na gagampanan ni Robredo ang kanyang trabaho at hindi niya ito aabandonahin.

Inaasahan na ng bise presidente ang lahat ng puna at kritisismo laban sa kanya.

Lumalabas din lang kung sino ang hindi handa kay Robredo.

Facebook Comments