VP Leni, hinikayat ang kwalipikadong botanteng magparehistro

Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahang magparehistro ang mga kwalipikadong botante bago matapos ang voters’ registration period sa September 30.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, mahalagang magamit ng mga tao ang kanilang karapatang bumoto sa kabila ng pandemya.

Naiintindihan ni Robredo na maraming tao ang takot na lumabas ng kanilang bahay pero may mga paraan para makapag-adjust sa registration process.


Halos kalahati pa lamang aniya ng 4 million target ng Commission on Elections (COMELEC) ang nagparehistro para sa May 2022 elections.

Noong 2019, maraming botante ang hindi nagparehistro at may ilan ding rehistrado na pero hindi bumoto noong Midterm elections.

Iminungkahi ng Bise Presidente na tumulong ang mga Local Government Unit (LGU) na palakasin ang voters’ registration sa pamamagitan ng pagtatayo ng mobile registration booth o pagbibigay ng transportasyon sa mga aplikante.

Facebook Comments