VP Leni, hinimok ang DA na konsultahin ang stakeholders na may alinlangan sa pagpapatupad ng price ceiling sa baboy at manok

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang Department of Agriculture (DA) na magsagawa ng consultations sa mga stakeholders.

Ito ay sa harap ng pagkontra sa pagpapatupad ng price ceilings sa manok at baboy.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, maraming traders ang nagsabing hindi sila naabisuhan hinggil sa price cap.


“Parang nakakatulong na nagkokonsulta….Maraming negosyante ang nagsasabi na, ‘Kapag ganiyan, hindi na lang kami magtitinda…Ang nirereklamo ng mga negosyante, hindi sila napakinggan. Ang nirereklamo nila, parang nag-price ceiling daw na hindi sila kinonsulta,” sabi ni Robredo.

Iginiit ni Robredo na wala siyang kapasidad na malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo, mahalagang magkaroon ng konsultasyon ang mga concerned parties hinggil dito.

Facebook Comments