VP Leni, hinimok ang mga Pilipinong tulungan ang mga nangangailangan ngayong kapaskuhan

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa lahat ng mga Pilipino na tulungan ang mga biktima ng mga nagdaang kalamidad kasabay ng pagdiriwang ng pasko.

Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Robredo na maituturing na pinakamagandang regalo ngayong pasko ang pagtulong sa mga nangangailangan, nagugutom, mga walang masilungan, at mga nasalanta ng sakuna.

Dagdag pa ng Bise Presidente na dapat manatiling may pag-asa ang mga Pilipino sa kabila ng mga kinakaharap na problema.


Mahalaga ring may pagkakaisa ang lahat anuman ang pinagmulan at paniniwala.

Facebook Comments