Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat magpakita ng paninindigan ang gobyerno laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippines Sea.
Ayon kay Robredo, magiging sayang lang ang International Arbitration Award kung hindi ito igigiit kontra sa sovereignty claims ng China.
Aniya, walang kapararakan ang argumento ni Pangulong Rodrigo Duterte na mauuwi lamang sa giyera ang pagkompronta sa China.
Kasabay nito, itinuturing ng Bise Presidente na walang basehan ang mga bantang sedition na inihain laban sa kanya at sa higit 30 kritiko ng Duterte Dministration.
Facebook Comments