Iginiit ni Vice President Leni Robredo na personal niyang desisyon na tanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang kampanya kontra ilegal na droga.
Ito’y sa kabila ng payo ng kanyang mga kaalyado at kapartido na huwag itong tanggapin.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, aminado si Robredo na halos lahat ng miyembro ng kanyang Partidong Liberal Party ay kontra rito.
Maging ang kanyang tatlong anak ay tutol sa kanyang desisyon.
Bagamat magiging banta sa kanyang seguridad ang mga Drug Syndicate, hindi dapat ito maging hadlang sa kanyang trabaho bilang Anti-Drug Czar.
Si Robredo ay Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs na binubuo ng 21 miyembro.
Facebook Comments