VP Leni, inilatag ang mga plano sakaling manalong pangulo sa 2022

Agad na tututukan ni Vice President Leni Robredo ang pagpapalakas ng COVID-19 response at pagbuhay sa ekonomiya sakaling manalong pangulo sa 2022.

Sa online forum ng Rotary Club of Manila kahapon, sinabi rin ni VP Leni na hindi siya sang-ayon sa pagpapatupad ng martial law o emergency powers para solusyunan ang pandemya at iba pang problemang nararanasan ng bansa.

Aniya, marami namang batas na maaaring gamitin para makaahon ang bansa mula sa krisis.


Samantala, binigyang-diin din niya na dapat “inclusive at independent” ang foreign policy ng Pilipinas at walang pinapaburang bansa tulad na lamang ng China.

Wala namang nakikitang problema si VP Leni sa pakikipagkalakan sa China pero iginiit nito na dapat kilalanin ng China ang napanalunang kaso ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal sa isyu sa West Philippine Sea.

Facebook Comments