Magandang oportunidad para kay Vice President Leni Robredo na maipatupad ang mga naiisip niyang paraan para mapagbuti ang kampanya kontra ilegal na droga.
Ito’y matapos tanggapin ng Bise Presidente ang alok na maging Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tama lang ang naging hakbang ni Robredo.
Tiniyak niya kay Robredo na magiging maayos ang samahan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Panelo, na hindi magiging patibong ang alok na posisyon dahil kabutihan ng bansa ang nais ni Pangulong Duterte.
Paglilinaw pa ng Palasyo, tanging si Pangulong Duterte lamang ang makapagsasabi kung gaano kalawak ang sakop ng kapangyarihan ni Robredo bilang Drug Czar.
Facebook Comments