Plano ni Vice President Leni Robredo na tulungang madoble ang kita ng mga Pinoy seafarer kapag siya ang nahalal na pangulo sa darating na eleksyon.
Ayon kay Robredo, isa sa mga pinaka-naapektuhan ng pandemya ay ang mga seafarer na naunsyami ang mga kontrata o stranded sa bansa dahil sa mga lockdown.
Maraming pamilya ang umaasa sa mga kaanak ng seafarers.
Isa sa mga agarang pagtutuunan niya ng pansin ang paglagay ng kursong maritime industry sa senior high school curriculum para agad maging kadete pagka-graduate.
Aayusin din ang curricular ng merchant marine schools para makipagsabayan sa international standards.
Kasali ang mga planong ito sa layunin ni Robredo na mabigyan ang mas madaming Pilipino ng malawak na oportunidad sa mataas na posisyon at malaking kita sa pagiging seafarer.