Nakipagpulong si Vice President Leni Robredo sa mga kinatawan ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNDOC) at iba pang community-based advocacy groups.
Dito ay tinalakay ni Robredo kung paano pa niya mapapagbuti ang community-based rehabilitation centers.
Ayon kay Office of the Vice President Usec. Boyet Dy, nasa 90% ng problema ay mga tinatawag na ‘slight’ o ‘occasional’ drug users na kayang tugunan ng Rehabilitation Programs.
Ang natitirang 10% ang kailangan ng Institutional Intervention o dapat ituring na in-patient.
Nagkasundo si Robredo at mga miyembro ng UNODC na matuto mula sa mga karanasan ng ibang bansa sa Southeast Asia pagdating sa Public Health Approach at Law Enforcement Approach.
Facebook Comments