VP Leni, nangunguna sa listahan ng mga naging biktima ng Fake News noong 2019

Numero uno sa listahan ng mga biktima ng Fake News nitong 2019 si Vice President Leni Robredo.

Ibinahagi ni Robredo sa kaniyang Facebook Post ang datos mula sa year-end report ng Vera Files.

Base sa report ng Vera Files, si Robredo ay pinupuntirya ng anim na Fake Statements.


Lumalabas din sa report na inilalarawan si Robredo na walang-saysay magsalita, at protektor ng drug suspects.

Maliban dito, may inilabas din umanong pahayag si Robredo na pinapayagan niya ang mga drug suspects na magdala ng baril at ipinagbabawal ang mga pulis na magdala ng firearms sa drug operations.

Mariing itinanggi ni Robredo ang mga nasabing pahayag.

Nanawagan din ang Bise Presidente sa mga ‘online trolls’ na itama na itama o kaya naman ay alisin ang mga ikinakalat nilang impormasyon.

Maliban kay Robredo, pasok din sa listahan ng Vera Files na biktima ng Fake News ngayong 2019 ay sina dating Sen. Bam Aquino, Kabataan Party-List Rep. Sarah Elago, Dating Sen. Antonio Trillanes IV, at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Kasama rin si dating Pangulong Noynoy Aquino, Fr. Robert Reyes, Rappler CEO Maria Ressa, at Sen. Risa Hontiveros.

Facebook Comments