VP Leni, naniniwala na ang kabutihan ng kaniyang mga programa ang nagtulak pataas sa kaniyang approval rating

Manila, Philippines – Ikinagalak ni VP Leni Robredo ang mataas na approval ratings na nakuha niya batay sa resulta ng mga survey ng Social Weather Stations at Pulse Asia.

Sa isang statement, sinabi ni Robredo na ipinapakita nito na nararamdaman ng publiko ang resulta ng paghahatid niya ng serbisyo kahit limitado lamang ang budget ng kaniyang opisina.

Masarap aniya ang pakiramdam dahil sa pulso ng taumbayan niya kabutihan ang hatid ng kaniyang mga programa.


Naniniwala si Robredo na Nakatulong sa kaniya ang anti-poverty program na Angat Buhay na isinulong niya sa buong bansa.

Aniya, Oktubre noong nakaraang taon nang magsimula ang anti-poverty program.

Nagsimula lamang ito sa limampung maliliit na bayan ngayon ay 153 na mahihirap na bayan na ang kanilang naabot.

Facebook Comments