VP Leni, patuloy ang pagtaas sa survey

Malaki ang ibinaba ng survey rating ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagtanggi nito na dumalo sa mga panayam sa telebisyon at radyo habang patuloy naman ang pagtaas ng rating ni Vice President Leni Robredo mula Enero 23 hanggang 27, 2022.

Ito ang resulta ng espesyal na pag-aaral ng International Development and Security Cooperation (IDSC) ukol sa 2022 national elections kung saan kinuha nito ang WR Numero Research para sa kanilang opinion poll.

Batay sa survey na ginawa ng WR Numero Research, nagtamo si Marcos ng 9 na puntos na pagbagsak sa kanyang rating mula 59% noong Enero 2 hanggang 7 patungong 50% noong Enero 23 hanggang 27 matapos hindi humarap sa “The Jessica Soho Presidential Interviews.”


Sa kanyang parte, nakakuha naman si Robredo ng 4 na puntos na pagtaas mula 16% noong Enero 2 hanggang 7 patungong 20% noong Enero 23 hanggang 27, dahil sa kanyang magandang pakita sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” noong Enero 22 at sa “The 2022 Presidential One-on-One Interviews with Boy Abunda” na inere mula Enero 24 hanggang 28.

Nakakuha rin si Robredo ng mga bagong tagasuporta dahil nailatag niya sa mga nasabing panayam ang malinaw ang kanyang mga plano para sa bansa batay sa kanyang kaalaman at karanasan.

Maliban pa rito, ang paglulunsad ng bagong campaign tagline ni Robredo na “Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat” ay nagpatibay sa pagkillos ng kanyang mga tagasuporta,

Ayon sa pagkakasunod, nakakuha naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng 9% habang sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Manny Pacquiao ay mayroong 4.12% at 2.41%.

Facebook Comments