VP Leni, pinayuhan si PRRD na huwag munang tutukan ang 2022 Elections

Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang isipin ang 2022 Elections.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na malayo pa ang 2022.

Dapat pagtuunan ng pansin ang problema sa ilegal na droga dahil hindi pa ito nareresolba.


Dagdag pa ng Bise Presidente, kung siya mismo si Pangulong Duterte mas hihikayatin pa nito ang mga kalaban na tumakbo.

Aniya, “flavor of the month” siya ng Pangulo dahil masyadong nitong gunugugol ang kanyang oras sa pag-atake sa kanya.

Nitong Oktubre, nanawagan si Pangulong Duterte sa mga Pilipino na huwag iboto si Robredo sakaling tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Facebook Comments