Manila, Philippines – Pinayuhan ni Chief Presidential Legal Counsel & Presidential spokesperson Salvador Panelo si Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs co-chairperson Vice President Leni Robredo na huwag na lamang sumama sa drug operations na isasagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcers.
Ayon kay Panelo, kung malalagay sa alanganin ang seguridad ng bise presidente ay mas mainam na huwag na lamang itong sumama sa anti-narcotics operations.
Sinabi pa nito na kahit wala physically ang pangalawang pangulo sa drug operations ay maaari naman nitong ma-monitor ang ginagawa ng mga law enforcers sa ground.
Ang pahayag ni Panelo ay kasunod nar in ng paanyaya ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino kay VP Leni na sumama sa mga drug operations ngayong ito na ang drug czar ng Duterte administration upang mapagtanto ng bise presidente ang reyalidad o tunay na nagaganap sa ground sa tuwing may anti- illegal drugs operations.