VP Leni Robredo, bukas pa rin sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa; pagtakbo bilang gobernador, malabo

Nananatili pa ring bukas si Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 National Election.

Inilabas ni Robredo ang pahayag matapos sabihin ni dating Camarines Sur Congressman Rolando Andaya Jr., na tatakbong gobernador si Robredo sa kaniyang home province na Camarines Sur para sa 2022 polls at magpapalipat na lamang ito ng tirahan.

Paglilinaw ni Robredo sa Facebook post nito, wala pa sa desisyon niya ang pagtakbo bilang gobernador pero hindi aniya niya maitatanggi na bukas siya sa pagkandidato sa pagkapangulo.


Bagama’t maraming konsiderasyon isinaalang-alang, tiniyak ni Robredo na siguradong magdedesisyon na siya sa tamang panahon at agad itong ipapaalam sa publiko.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maituturing na ‘bangungot’ ang pagtakbo ni Robredo bilang pangulo.

Facebook Comments