VP Leni Robredo, handang magbayad g walong milyong piso para sa kanyang counter protest laban kay dating Senador Bongbong Marcos

Manila, Philippines – Handang magbayad si Vice President Leni Robredo ng walong milyong piso para sa kanyang counter protest laban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang tugon ng kanyang abogado na si Atty. Romulo Macalintal sa desisyon ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal.

Sa desisyon ng PET, inatasan nito si Robredo na mag-deposit ng walong milyong piso bilang paunang bayad sa labing limang milyong piso na babayaran para sa kanyang kontra protesta laban kay Marcos.


Ayon kay Atty. Macalintal, naghihintay na lamang sila ng kopya ng desisyon ng PET at agad silang susunod dito sakaling dumating na sa kanilang kamay ang pasya ng mga mahistrado.

Una ng tumanggi ang kampo ni Robredo na magbayad sa kanyang counter protest dahil sa paniniwalang dapat ang kampo lamang ni Marcos ang magbayad nito.

Ang kampo naman ni Marcos, ay nagbigay na ng paunang 33 milyong piso para sa kanyang election protest laban kay Robredo.
DZXL558

Facebook Comments