Nais ni Vice President Leni Robredo na magpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa malaking deficiency sa paggamit ng ₱67 bilyon na pondo para sa pagharap sa pandemya.
Sinabi ni Robredo na dapat ipaliwanag ng Health department kung paano ginagamit ang bilyon-bilyong pondo ng bayan.
Batay sa Commission on Audit (COA) report, di nagamit ang ₱11 bilyon na bahagi ng pondo ng DOH.
Ani Robredo, di magandang marinig ang ganitong balita sa harap ng banta ng COVID-19.
Lagi aniyang naririnig sa gobyerno na nagkukulang sa pondo kaya kinakapos na mabayaran ng PhilHealth ang mga hospital at ang benepisyo ng mga health workers.
Pinangunahan kanina ng bise presidente ang vaccine express sa parking area ng Robinson Mall sa Novaliches.
Target na mabakunahan ang nasa 5 thousand na driver ng tricycle at ibang transport group sa dalawang araw na vaccine express.