VP Leni Robredo, iginiit na fake news ang kumakalat na pumapanig siya sa CPP-NPA-NDF

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na fake news ang kumakalat ngayon sa social media kung saan inaakusahan siyang pumapanig sa mga komunistang grupo.

Sa nasabing post, nakapaloob ang pekeng pahayag ni Robredo na nagsasabing kailangan umanong protektahan ang mga miyembro ng New People’s Army dahil pag-asa sila ng bayan.

Paglilinaw ni Robredo, walang katotohanan ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya at pinapakalat sa social media.


Kasunod nito, nanawagan din ang Pangalawang Pangulo na i-report ang mga ganitong post na nagpapakalat ng paninira laban sa kaniya.

Facebook Comments