VP Leni Robredo, ikinatuwa ang agad na pag-apruba sa budget ng OVP

Manila, Philippines – Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo sa agad na pagkakaapruba ng Office of the Vice President budget sa 2018.

Sa budget hearing ng Kamara, tumagal lamang ng halos 2 minuto ang pag-apruba sa 443 Million na budget ng OVP.

Ikinatuwa naman ni Robredo ang mabilis na pagpapasa ng House Committee on Appropriations dahil ipinapakita na tiwala ang Kongreso sa tanggapan ng Ikalawang Pangulo.


Tumaas ng 3% ang budget ng OVP sa susunod na taon pero bumaba naman ang MOOE nito sa 349, 029 thousand para sa 2018 mula sa kasalukuyang 357, 324 thousand.

Pero ayos lamang ito kay Robredo dahil bumawi naman sa pagtaas ng Personnel Services na nasa 83,577 mula sa 61,135 ngayong taon at sa Capital Outlay na 11,340 sa kasalukuyang 10,159.

Facebook Comments