VP Leni Robredo, isinapubliko na ang kanyang senatorial slate

Isinapubliko na ni Vice President Leni Robredo ang senatorial slate o mga pambato niya sa Senado.

Mula sa lima, 11 na ang kanilang miyembro na nanggaling sa magkakaibang partido habang ang pang-12 ay masusi pa nilang pinag-aaralan.

Kabilang sa 11 pampabato sa Senado ay sina:


– dating Senador Antonio Trillanes IV
– Sen. Riza Hontiveros
– Sen. Leila de Lima
– Atty. Chel Diokno
– Teddy Baguilat
– Alex Lacson
– Sen. Dick Gordon
– Sen. Migz Zubiri
– dating Sen. Chiz Escudero
– Sen. Joel Villanueva
– dating VP Jojo Binay

Ayon kay VP Robredo, totoong nagkaroon ng hidwaan noong nakaraan pero ngayon ay nagkaisa sila sa kanilang layunin.

Sinabi ni Robredo na hindi naging madali ang naging proseso sa pagpili depende sa background ng kandidato at kanilang hadhikain.

Pangunahin aniya sa kanilang isinusulong ay ang matino, mahusay at makataong interes para sa mga Pilipino.

Facebook Comments