VP Leni Robredo, kinondena ang patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine

Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang patuloy na karahasan sa Ukraine dahil sa pagsalakay ng Russia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na maraming inosenteng buhay ang nadadamay dahil sa paglabag ng Russia sa soberenya ng Ukraine.

Marapat lamang aniya na tumindig at lumaban ang Ukraine laban sa bullying lalo na’t may mga napapaulat na ring mga sibilyan at mga kabahayan na nadadamay sa mga pag-atake.


Pinuri din ni Robredo ang ipinapakitang katapangan ng Ukrainians para ipaglaban ang kalayaan ng kanilang bansa.

Kaugnay nito, nakikiisa si Robredo sa pag-apela ng Pilipinas na tapusin na ang giyera at ang panawagan na daanin na lamang sa mapayapang negosasyon.

Facebook Comments