Inihayag ni Vice President Leni Robredo na makikipag-pulong siya sa mga taga-suporta sa Mayo 13.
Ito ay upang magpasalamat sa mga tumulong sa kaniyang kampanya sa kabila ng pagiging pangalawa lamang niya ngayon sa partial-unofficial tally sa presidential race.
Kasunod nito, sinabi ni Robredo na dalangin niya ang kapanatagan ng loob at ang malinaw na kinabukasan para sa lahat.
Pinuri din ni Robredo ang pagiging malikhain ng mga supporter at ang pagsasakripisyo sa panahon ng kampanya.
Sa pamamagitan aniya nito ay mas nakita pa ang uri ng lipunan na kayang maabot kapag nagtulungan.
Samantala, ayon kay Robredo, kumokonsulta na ang kaniyang kampo ng mga eksperto sa mga sinasabing iregularidad sa transmission ng boto na kumakalat sa social media.
Facebook Comments