VP Leni Robredo, malabong tumakbong gobernador ayon sa isang kongresista

Malabong tumakbong Gobernador si Vice President Leni Robredo.

Ito ang binigyang linaw ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sakaling tumakbo man sa lokal na posisyon ang bise presidente.

Ayon kay Villafuerte, kung kakandidato man sa local position si Robredo ay bilang kongresista o mayor lamang ang maaari nitong takbuhan.


Mayroon na kasi aniyang decided case ang Commission on Election (Comelec) na kung ikaw ay botante sa Naga City ay hindi ka maaaring tumakbo sa anumang posisyon sa Camarines Sur.

Paliwanag nito, isa kasing independent chartered city ang Naga.

Bagama’t nagpatayo na aniya ng bahay sa Magarao ang Vice President, ay hindi pa ito natatapos at hindi pa rin siya nakakalipat.

Dahil abogado aniya si Robredo ay alam nito na kailangan ng 1 year residency at pisikal na lumipat ito sa naturang lugar para naman makatakbo sa lokal na posisyon.

Kumpyansa si Villafuerte, na pagkapangulo ang tatakbuhan ni Robredo dahil maraming Bikolano ang gusto magkaroon ng presidential candidate mula sa kanilang rehiyon.

Facebook Comments