VP Leni Robredo, may hamon ngayong ika-47 anibersaryo ng pagdedeklara ng Batas Militar

Kasabay ng ika-47 anibersaryo ng pagdedeklara ng Batas Militar, hinimok ni VP Leni Robredo ang mga hindi nakaranas ng karahasan sa ilalim ng Martial law na huwag lamang ituring na numero ang mga ikinulong,  tinorture, at pinaslang.

Aniya, hamon sa ngayon ay labanan ang umiiral na pagkalimot, pananahimik, at pagkikibit-balikat.

Aniya, dapat ay maglalakas-loob ang sinuman na manindigan laban sa abuso ng mga taong naluklok sa kapangyarihan.


Higit sa pag-alala, dapat gawing makabuluhan ang okasyon para manindigan sa katotohanan at katarungan.

Dapat gampanan ng lahat ang iisang tungkulin na siguruhing walang lugar ang kahit sinong diktador sa isang bayang malaya.

Facebook Comments