VP Leni Robredo, may panawagan sa mga unvaccinated sa harap ng patuloy na pagkalat ng Omicron variant

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga unvaccinated na magpabakuna dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 dala ng mas nakakahawang Omicron variant.

Ani Robredo, dapat samantalahin ng publiko ang ‘Vaccine Express’ na accessible na sa barangay.

Ang ‘Vaccine Express’ ay isang programa ng Office of the Vice President, kung saan libre ang bakuna laban sa COVID-19.


Tumutulong din ito sa mga lokal na pamahalaang may bakuna ngunit kulang sa mga tauhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng volunteers.

Ang ‘Vaccine Express’ ay nagbibigay rin ng insentibo tulad ng bigas, relief packages, at mga health kit upang maengganyo ang mga taong magpabakuna.

Bukod sa vaccination program na ito, meron ding teleconsultation program ang OVP na tinatawag na Bayanihan E-Konsulta at libreng antigen testing na tinatawag na Swab Cab, bilang bahagi ng pagtugon nito sa pandemya.

Facebook Comments