Manila, Philippines – Nagbigay si Vice President Leni Robredo ng mga kagamitan na makakatulong sa pangkabuhayan ng mga bakwit na apektado ng bakbakan sa Marawi City.
Sa pagbisita kahapon sa evacuation center sa Balo-I, Lanao Del Norte, bukod sa pagbibisita ng relief goods, nagbigay din ang bise presidente ng mga makinang gamit sa pananahi.
Sa interview ng RMN kay Georgina Hernandez, Spokesperson ng bise presidente – ito ay matapos na kanilang matuklasan na naapektuhan din ang mga kababaihan sa lugar na gumagawa ng mga damit at hijabs (belo na tradisyunal na sinusuot ng mga Muslim women).
Magsagawa din ng opisina ni Robredo ng livelihood seminar tulad ng food processing na makakatulong ng malaki sa pangkabuhayan ng mga bakwit habang nasa evacuation center.
Bukod sa pagbisita sa mga bakwit, nakipagpulong din si Robredo sa mga lider ng Muslim community kung saan tiniyak nito na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matapos na ang gulo sa Marawi City.